3/01/2009

Oblasyon: Ritwal ni Itang

Kahigalaan,
Usa ka maayong balita. Midaog na sad ang kaliwat bisaya sa usa tigi sa pagsulat og tagalog nga balak. Kining inyong ubos nga alagad usa sa tunolan og pasidungog didto sa Palasyo sa Malakanyang karong Lunes, Abril 2 tungod sa iyang balak "Oblasyon: Ritwal ni Itang". Si PGMA ang personal nga motunol sa plake. Kining maong tigi gipasiugdahan sa Surian sa Wikang Pambansa-Gawad Collantes. Mikabat sa 280 kapin ka salmot ang nadawat sa komiti. Kadaogan nato ning tanan tungod kay bisan tuod tagawog ang akong gigamit nga pinulongan, ang sensibilidad sa bisaya ug kulturang bisaya mao man ang akong gisaulog. Dili kini pagluib sa atong inahan dila kondili pagpakita lang nga duna tay katungod nga paminawon sa nasod tungod kay kaliwat ta nga dunay matahom nga arte.

Sa dugang detalye, bisitahi ang balayan sa Komisyon Sa Wikang Filipino.

Usa ka higala ang mihangyo nga iposte dinhi sa balayan ang mananaog nakong obra. Kalingawi ninyog basa-basa.

Oblasyon: Ritwal ni Itang

Hindi pa handang
Makipagniig sa gabi
Ang aking panaginip
Ako’y mulat
Isang multong naglalakad
Sa daang may bubog
Na nagkalat
Gising ang ulirat
Walang malay ang
Mga paniki sa aratiles
Sa kanyang ritwal
Humahalakhak ang mga
Tikbalang sa puno ng dao1
Nakikinig sa kanya
Ang mga alitaptap at nimpa
Dinilaan ko ang pawis
Ng kanyang pisngi
Habang hinahabi niya
Ang litanya na siyang
Awit ng aming dugo
—Dito natin ipupunla, Anak,
Ang muling pagsilang ng lahing kayumanggi.

Namumulaklak ang kanyang anino
Ng mga suryal na salamin
Sa puno ng matubato2, nakipagpatintero
Ang tatsulok naming mga aninag
Tulad noong kasaganaan pa
Ang lengguwahe ng tag-ani
Nanginginig ang kanyang
Katawang-tao
Hindi sa ginaw ng gabi
Kundi sa amoy ng asupre
Sa kanto ng kanyang balintataw
Dumadaong ang mga galyon
—Tahan na, Anak,
Ako ang iyong kandungan sa iyong pag-iyak.

Nagbagong anyo ang kampanang
Nakasabit sa kanyang siko
Na tinatambol ng
Sibat at palaso
Siya ngayon ang makabagong oblasyon
Ang mandirigmang
Nakahubad
At sa kanyang kahubdan
Iniluluwal ng gabi
Ang iniingatang salawikain
Ng aming mga ninuno
Sa kanyang kuyom na kamao
Nagsusulputan ang iba’t ibang kulay
Ng prismo
Alinsabay sa kanyang paglalakad
Ang alulong ng katahimikan
Naiipon ang mga lagas
Na dahon ng kawayan
Sa bunsuran; binabasbasan
Ng hamog ang mga tsinelas
Ng duwende at kapre
Duguan ang dapithapon
Patuloy siya sa paghakbang
Yabag niya’y soneto ng banika3
Pataksil ang tagulaylay
Mula sa Kanluran
Hinahamon nila ang
Matayog na mulbulan4
Dala nila’y espada at krusipiho
Dinig ko ang iyakan
Sa tagtuyot.
Namamantal sa lalamunan
Ng ilog ang hinagpis
Ng karimlan at alabok
Amoy pormalin ang
Hangin na aking sinisinghot
Nakapangingilabot ang
Bulahaw ng ambulansiya
Karga nito’y bangkay
Na pinagnanasaan ng
Pitong espiritu ng tag-ulan
Sa ibayo
Nakalugay ang buhok
Ni Inang
Balisa ang dating
Tahimik na parang
Ang mangliw5 at tuktor6
Ay maaga sa kanilang
Paglipad-pauwi
Hinuhukay ni Itang ang lalim
Ng kanyang sugat
Ang dibdib niya’y warak
Dugo niya’y bumubulwak
Sa kanyang kalamnan
Humihilik pa ang bayag
Ni Ka Guiller
Itinataboy ng kanyang pait ang
Umaalingasaw na bituka
Ng mga rakista sa Kyusi
Hayaan kong maglalakad na nakahubad
Si Itang habang pinapanood
Ang metamorposis ng umaga
—Ililipad kita, Anak,
Sa kaharian na hindi abot ni Lulid7.

--------------------------------------------------
dao — puno na pinaniniwalaan na tinitirahan ng mga espiritu
matubato — isang uri ng matigas na puno na kadalasang tinutroso
banika — salitang Sebuano na ang ibig sabihin, kanayunan
mulbulan—uri ng puno na kadalasang ginagawang kasko sa bangka
mangliw—isang uri ng ibon na gumagala sa gabi
tuktor—uri ng ibon na pinaniniwalaang alaga ng mga masasamang espiritu
Lulid—sa mitolohiyang Sebuano, Diyos ng Karamdaman


Omar Khalid