2016/08/20

kasi bisita ka lang

kasi bisita ka lang
huwag kang manglait
pag pangit ang ulam
sabihin mo lang gusto mo 'yong cake
pag marumi ang bahay
sabihin mo ang ganda ng garden
pag may pulp bits ang tubig
sabihin mo gusto ay beer
pag nasusuka ka na
sabihin mo may vertigo ka
kasi bisita ka lang
wala kang karapatang mamili
pag hindi maganda yong babae
sabihin mo na lang ang galing nilang sumayaw
pag wala ka talagang magandang sabihin
at ikaw ay nanahimik na lamang kasi wala ka 
talagang gana o gusto
sabihin mo na lang na miss na miss mo
na yong parents mo na matatanda na
at walang kasama sa bahay kasi yong
katulong nyo ay umuwi muna sa bundok
upang ihatid ang perang
pambili ng abono sa taniman nilang
mais. at kaya
gusto mo nang umalis
ngayon na ngayon na
(kasi gusto mo na talagang
magwala)

Panginhas dire